"kape pt.02"
kasabay ng paglisan ng lahat ng mga panahon dati'y nakangiti
ay ang kapeng tahimik na nakalapag sa aking harapan.
hindi naman nahihilo sa paghalo,
habang nakatitig lang ako sa kawalan;
huwag lang sanang mabakas sa mukha ang pamumutla at ibayong pag-aasam..
itong pulseras na matagal na panahon nang nakakapit sa aking kaliwang bisig,
ay diyata’t magnanais nang tumampisaw na rin sa kapeng nakalatag sa aking harapan..
sa aking pagdadalamhati ay mukhang hangad din nitong makiramay,
makisabay sa pag-iwas sa pagdama ng malamig na pag-ihip ng hangin,
sapagkat batid din nitong inihandog mo ito sa akin..
sa pagyuko ko ay muli kong mapapansin na pati ilang mga patak ng luha ay nagbabadya na ring makisalo,
pagtutulungan nilang gapiin ang masamang damdamin,
‘yung haba ng panahon ng paghangad sa iyo,
‘yung munting hiling na sana muli kang humanay sa akin.
magtutulungan nga sila, na hawiin pati ang lahat ng paghihirap
na kasing-itim ng nagpupuyos na mga ulap,
mga ulap, na sa ilang sandali lang ay handa nang magngalit at magbuhos ng hinanakit..
sa paghihinagpis,
kinabig ko ang kapeng nasa aking harapan.
saka maaalalang bago pa,
mapapaso’t mararamdaman ang paggapang ng init sa kalamnan,
at sa pagkagulat, lahat ng aking minumuni-muni’y mapaparam.
Post a Comment
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Brewing pain over cup of coffee...astig ng tula a. =)
ReplyDeletesalamat joan..
DeleteTagay na tayo ng kape. Sabay nating isahog sa kape yan boss. Kahit magiging dilat pa ang ating mga mata, isang araw? dalawang araw? kasabay ng pakikipagpatintero ng mga alaala sa isipan at sa sakit na tumututusok sa pusong mapagmahal. Sana ganun lang kadali eh no? hahaha sana nga mapaparam lang ito ng init ng iniinom na kape.
ReplyDelete